Bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Kristine sa Bicol Region, sumampa na sa 20

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nasasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine sa Bicol Region.

Batay sa ulat ni Police Regional Office-5 Director, Police Brig. Gen. Andre Dizon sa Kampo Crame as of 7am ay umakyat na sa 20 ang mga naitatala nilang nasawi dahil sa bagyo.

Mula sa nasabing bilang, pito rito ang buhat sa Naga City, lima sa Catanduanes, apat sa Albay habang tig-isa sa Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, at Masbate.

Karamihan sa mga nasawi ay dahil sa pagkalunod habang may isa naman sa Masbate na nadaganan ng natumbang puno.

Gayunman, nilinaw ni Dizon na sasailalim pa sa validation ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Management of the Dead and Missing ang mga naturang kaso.

Sa ngayon, ang tinututukan ng Pulisya ay ang mga bayan ng Ligao, Oas, Libon, at Polangui sa Albay gayundin sa Nabua sa Camarines Sur na lagpas tao ang baha maging sa Naga City.

Maliban sa mga nasawi, may apat pa ang nawawala kung saan, dalawa rito ay mula sa Masbate habang tig-isa naman sa Camarines Sur at Albay. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us