Pinapakalat na larawan na nagbabakasyon umano ang mga Villafuerte sa Siargao habang nananalasa ang bagyong Kristine, fake news

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinawag na fake news at paninira ni Camarines Sur 1st District Representative LRay Villafuerte ang kumakalat na litrato na siya at si CamSur Governor Luigi Villafuerte at mga SK officials ay nagbabakasyon sa Siargao habang nananalasa ang bagyong Kristine.

Giit ni Villafuerte, noong nakaraang Sabado pa kuha ang mga litratong pinapakalat sa social media. Lunes pa lang ay nakabalik na aniya sila lahat ng CamSur.

Paniwala ng kinatawan na ginagawa lang ito dahil sa mag-eeleksyon.

Pagsiguro naman niya sa mga kababayan na tuloy-tuloy ang kanilang rescue at relief efforts.

Humingi na rin aniya sila ng tulong sa national government partikular sa Department of National Defense (DND), mga kaibigang senador, at Philippine Red Cross.

Hinihintay na lang din aniya nila ang inihandang tulong mula naman sa Office of the Speaker. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us