Nabigyan na ng pagkain ang mga pasaherong stranded sa 14 na pantalan sa bansa, dahil sa bagyong Kristine.
Ito ayon kay Philippine Ports Authority Assistant General Manager Mark Palomar ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Katuwang aniya nila ang DSWD sa inisyatibong ito.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng opisyal na umkyat na sa higit 7,300 ang bilang ng mga pasahero ang stranded sa mga pantalan, habang nasa 1,733 na RORO vessel naman ang hindi pa rin makapalaot.
“We have 14 ports which are currently experiencing the effects of the storm and there are no trips as of this day. We request that the passengers monitor the situation and not proceed to the terminals considering that there are no trips.” -Palomar.
Dahil dito, umaapela ang opisyal sa publiko na huwag na munang tumungo pa sa mga pantalan, at manatiling nakabantay sa pinakahuling galaw ng Bagyong Kristine.
“We are also providing food for the stranded passengers, we thank the DSWD for their assistance in providing food for our passengers.” -Palomar. | ulat ni Racquel Bayan