Nagpadala na ang Office of Civil Defense (OCD) ng karagdagan augmentasyon upang tulungan ang rescue at relief operations ng pamahalaan sa Bicol Region, kasunod ng pananalasa ng Bagyong Kristine.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni OCD Director Edgar Posadas na isa pa rin sa pinakamalaking hamon sa kasalukuyan ay ang mataas na tubig baha na humahadlang sa movement ng equipment at manpower ng pamahalaan.
Gayunpaman, pagsisiguro ng opisyal, sapat ang resources ng gobyerno, upang alalayan ang mga biktima ng bagyo.
“There are enough resources pero, yun nga, sa taas ng baha—these are in Naga and several municipalities in Camarines Sur such as Presentacion, Bula, and the other towns
nearby,” -Posadas.
Sabi ni Posadas, sa Bicol Region pa rin nakatutok ang on going resue efforts ng pamahalaan.
Dahil dito, tutungo na ang team at equipment sa rehiyon na magmumula sa Southern Luzon Command ng AFP.
“As we speak mayroong padating na mga reinforcement from the Southern Luzon Command, both personnel and equipment and, at the same time, magpapadala din ng tulong doon kasi we practice at OCD ‘yung pagtulong po ng mga less affected na mga regions to assist nearby regions.,” -Posadas.
Mayroon na ring reinforcement teams mula sa Eastern Visayas ang aalalay sa Bicol.
Base sa ulat ng OCD, nasa 10 na ang napaulat na nasawi, dalawa ang sugatan, habang nasa siyam ang nawawala. | ulat ni Racquel Bayan