Pinangunahan ni P/BGen. Jay Cumigad, regional director ng PNP8, ang send-off ceremony para sa 150 tauhan nito, kasama ang 21 miyembro ng Maritime Unit, 6 personnel ng PCG, 16 mula sa BFP, ilang personnel ng DICT, at OCD8 na kabilang sa Unified Disaster Response team na sabay-sabay na dineploy kahapon para tumulong sa rescue operations sa Bicol Region na matinding nasalanta ng Bagyong Kristine.
Ang PRO8 ay nagmobilize din ng apat (4) na sasakyan na kinabibilangan ng tatlong truck, isang bus, at isang pick-up truck na makakatulong sa mobility, pag-secure, at epektibong pagsasagawa ng rescue at relief operations.
Ayon kay Cumigad, ang pagtutulungan at ugnayan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay malaki ang maitutulong sa agarang pagbangon sa nasalantang Bicol Region. | ulat ni Ma. Daisy Amor Lalosa-Belizar | RP1 Borongan