Umakyat na sa P8.42 million ang halaga ng tulong na ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 6 at mga local government unit (LGUs) para sa mga pamilyang apektado ng bagyong Kristine sa Western Visayas.
Batay sa DROMIC Report no.7 ng DSWD 6, halos P7.17 million sa naturang halaga ng tulong ang nagmula sa kanilang ahensya at P1.24 million ang ipinaabot ng iba’t ibang lokal na pamahalaan.
Dagdag pa ng ahensya, umabot na sa 38,659 pamilya o 161,283 na katao mula sa 458 na barangay sa rehiyon ang apektado ng bagyo.
Sa naturang bilang, 1,319 na pamilya o 4,633 na katao ang nananatili pa sa 98 evacuation centers; samantalang 951 na pamilya o 3,514 na katao ang namamalagi sa kanilang kaanak o kakilala.
Sa ngayon, ang DSWD 6 ay may nakahanda pang P144 million na halaga ng relief resources na handang ipamahagi sa mga nangangailangang LGU. | ulat ni JP Hervas, Radyo Pilipinas Iloilo
📸DSWD