Lungsod ng Dagupan, isinailalim na sa State of Calamity, ₱34-M, naitalang inisyal na pinsala

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinailalim na sa State of Calamity ang lungsod ng Dagupan ngayong araw, October 25, 2024 kasunod ng isinagawang special session ng mga Miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Ang hakbang ng LGU ay bunsod na rin sa matinding pagbahang dulot ng bagyong #KristinePH na nakaapekto sa mga mamamayan, kabuhayan, agrikultura, at imprastraktura sa lungsod.

Base sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ay 21 barangay sa lungsod ang binaha dahil sa storm surge habang 10 barangay ang naapektuhan ng malakas na ulan at high tide.

Umabot rin sa 660 na pamilya katumbas ng 2,020 indibidwal ang inilikas sa mga evacuation center sa lungsod na karamihan sa mga ito ay hindi pa rin nakakabalik sa kanilang mga tahanan.

Nakapagtala na rin ang lungsod ng ₱34-milyon na inisyal na pinsala sa sektor ng agrikultura at aquaculture maliban pa sa ilang nasirang barangay roads kabilang na ang Bonuan Baywalk.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang mabilis na pagtulong sa mga apektadong residente. | via Sarah Cayabyab | RP1 Dagupan

📷 LGU Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us