Kagitingan ng mga pulis na ipinakita sa kasagsagan ng bagyong Kristine, pinuri ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang ipinakitang kagitingan at katapangan ng mga tauhan nito na gumanap ng kanilang tungkulin sa gitna ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Ayon kay PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, hindi matatawaran ang ipinakitang tapang ng kanilang mga tauhan na handang ibuwis ang sariling buhay para protektahan at sagipin ang kapwa.

Ito’y kahit pa apektado rin ng kalamidad ang kanilang sariling tahanan at pamilya.

Ayon sa PNP, aabot sa 4,000 tauhan nito ang ipinakalat sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyo para maghatid ng tulong sa mga pinaka-apektadong komunidad sa Bicol at Eastern Visayas.

Binigyang-diin pa ng PNP chief ang agarang pagtugon ng mga pulis sa nangyaring landslide sa Batangas na kumitil sa buhay ng maraming kababayan at mga bahay na natabunan ng lupa.

Sa kabuoan, aabot sa mahigit 300,000 indibidwal ang nailikas ng mga pulis na naihatid sa evacuation centers. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us