DA, muling inalerto ang mga magsasaka sa posibleng epekto ng bagyong Leon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa pagpasok ng panibagong bagyo ay muling inabisuhan ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka at mangingisda sa posibleng epekto ng bagyong Leon.

Ayon sa DA, kabilang sa inaasahang maapektuhan ng bagyo ang ilang lalawigan sa Northern Luzon.

Kaya naman, ngayon pa lang ay inabisuhan na nito ang mga magsasaka na anihin na ang kanilang mga pananim at gumamit ng post-harvest facilities.

Pinalilinis na rin sa mga magsasaka ang mga daluyan ng tubig sa mga irigasyon at mga pilapil upang maiwasan ang mga pagbaha.

Maging ang mga mangingisda ay pinayuhan na ring hanguin ng maaga ang mga isda at ipagpaliban na muna ang pagpapalaot lalo na sa mga lugar na nakararanas na ng malakas na hangin at alon dahil sa bagyo.

Sa panig ng DA, tiniyak naman nitong tuloy-tuloy na ang paghahanda nito para ayudahan ang mga maaapektuhang magsasaka at mangingisda ng bagyo.

Kabilang dito ang pag-pre-position ng mga binhi at pakikipag-ugnayan na rin sa mga LGU at Regional DRRM offices. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us