Nakaalis na sa Port of Cebu ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na may dalang family food packs (FFPs) para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol Region.
Ayon sa DSWD, nasa 14,000 kahon ng family food packs (FFPs) ang binitbit ng dalawang barko kuny saan 11,000 FFPs ang sakay ng BRP Teresa Magbanua habang may lulan namang 3,000 FFPs ang BRP Cape San Agustin.
Nagmula ito sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC) sa Cebu ay ipapamahagi para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Kristien sa kalakhang rehiyon ng Bicol.
Bahagi pa rin aniya ito ng tuloy-tuloy na pagsusumikap ng DSWD, katuwang ang PCG, upang mabilisang maihatid ang kinakailangang tulong sa mga nasalantang komunidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa