Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na mananatiling normal ang operasyon ng LRT Line 2 sa Undas 2024.
Ayon sa pamunuan ng LRTA, walang magiging pagbabago sa schedule ng mga tren sa darating na Undas.
Ang unang biyahe mula Recto Station at Antipolo Station ay aalis ng alas-5:00 ng umaga, habang ang huling biyahe mula Antipolo Station ay aalis ng alas-9:00 ng gabi at alas-9:30 ng gabi naman mula Recto Station.
Pinaalalahanan din ang mga pasahero na mag-ingat at sumunod sa mga patakaran upang maging ligtas at maayos ang kanilang paglalakbay sa Undas. | ulat ni Diane Lear