Umaapela ngayon si Assistant Minority Leader at Camarines Sur 3rd District Representative Gabriel Bordado Jr. ng agaran at patuloy na tulong para sa lalawigan ng Camarines Sur at kabuuan ng Bicol Region.
Aniya, kailangan ng tulong ng kanilang mga kababayan sa pagbangon mula sa pinakamalalang pagbaha na kanilang naranasan mula 1993.
Marami aniya sa kanilang mga bayan ang lubog pa rin sa baha dahil sa bagyong Kristine.
Pahirapan aniya ang pagpapaabot ng relief packs sa mga binahang lugar dahil kulang sa amphibious vehicles.
Paalala naman ni Bordado na hindi pa natatapos ang kinakaharap nilang krisis dahil sa panibagong bagyo na si Leon.
Kaya aniya mahalaga ngayon ang dagdag na suporta sa ka-Bikulan.
“This region is in peril. We are preparing for further challenges as more storms approach, but right now, we need all the help we can get to save lives and begin rebuilding,” giit ni Bordado. | ulat ni Kathleen Forbes