Sinimulan na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang pamamahagi ng unconditional cash assistance sa mga biktima ng Severe Tropical Storm “Kristine” sa Albay province.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, ang agarang pamamahagi ng ayuda ay alinsunod sa utos ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr.’s para agad na mahatiran ng tulong ang mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.
Nasa 60 pamilya sa Daraga, Albay ang unang nahatiran ng cash aid sa ilalim ng Integrated Disaser Shelter Assistance Program (IDSAP) ng ahensya.
Sa ilalim nito, P30,000 ang ipinamahagi sa mga pamilyang lubos na nasira ang tahanan habang P10,000 sa partially damaged residences.
Ayon pa sa kalihim, bukod sa cash assistance, nakahanda rin solang magbigay ng loan payment moratorium at posibleng relocation sa mga residenteng nasa danger zones.
“Bilin ng mahal na Pangulo ang tuluy-tuloy na pag-agapay sa mga biktima ng bagyo, kaya yan po ang gagawin ng DHSUD at aming key shelter agencies,” | ulat ni Merry Ann Bastasa