Lumobo pa sa P3.40-B ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa bagyong Kristine.
Sa ulat ng Department of Agriculture, may posibilidad pang tumaas ang pinsala lalupat naging accessible na ang mga affected areas sa field validation team na nagsasagawa ng assessment.
Sa huling ulat ng DA-DRRM, nasa 79,904 na magsasaka at 76,785 na agricultural areas ang apektado ng kalamidad.
Umaabot na rin sa 174,087 metric tons ang dami ng produksyon ang nalugi at hindi na mapakinabangan.
Kabilang sa mga nasalanta ang mga pananim na palay,mais, cassava, high value crops, livestock at poultry, pangisdaan at agricultural infrastructures.
Naitala ang pinsala sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA,
Bicol Region, Western at Eastern Visayas, SOCCSKSARGEN at CARAGA Region. | ulat ni Rey Ferrer