Pinaghahanda ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga residente sa apat na rehiyon sa bansa sa inaasahang hagupit ng Super Bagyong Leon.
Ito’y dahil sa ang mga nabanggit na lugar ay nasa labas ng wind band ng bagyo na kung saan, inaasahan ang mas malakas na mga pag-ulan habang tinatahak nito ang direksyong pa-hilagang kanluran patungong Taiwan.
Sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo kahapon, sinabi ni OCD Executive Director, Undersecretary Ariel Nepomuceno, kabilang sa mga dapat maghanda ang mga residente sa mga rehiyon ng Gitnang Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol.
Ayon kay Nepomuceno, nasa kalahating milyong (500,000) pamilya o katumbas ng dalawa’t kalahating milyong indibiduwal (2.5 million) ang posibleng maapektuhan ng Typhoon Leon. | ulat ni Jaymark Dagala