DSWD, naglaan ng P16.8-M para sa pagtatayo ng 21 day care center sa Cotabato

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magtatayo na ng 21 Day Care Center ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 19 na barangay sa Makilala, North Cotabato.

Naglaan ng P16.8 milyon ang DSWD sa Makilala Local Government para sa pagtatayo ng proyekto sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) Program.

Ayon kay DSWD Undersecretary Alan Tanjusay, ang pagtatayo ng Day Care Center ay bahagi ng Peace and Development-
Buong Bansa Mapayapa Program ng ahensya.

Layon nitong iangat ang mga komunidad na kulang sa serbisyo at itaguyod ang napapanatiling kapayapaan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us