Malaki ang pasasalamat ni Camarines Norte Representative Josie Tallado sa pagtugon ng PAGCOR at Aboitiz Foundation, para makapagbigay tulong sa pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Unang Distrito ng Camarines Norte.
Nitong isang araw, dumating ang donasyong 25,000 kilograms na bigas mula Aboitiz Foundation.
Agad na ini-repack ang naturang bigas kasama ang canned goods na binili ng lady solon mula sa kaniyang sariling pera para sa relief operations sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Kristine
Nasa 2,000 pamilya naman mula Brgy. Larap sa munisipalidad ng Jose Panganiban ang napagkalooban ng relief assistance sa pamamagitan ng ipinadalang food packs ng PAGCOR. | ulat ni Kathleen Forbes