Kinondena ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang napabalitang pagkakatukals ng 800 sako ng mga labi sa Marikina City Public Cemetery.
Ayon kay Pimentel, isa itong malinaw na kalapastanganan sa mga patay at pagbalewala sa damdamin ng mga naiwang pamilya.
Para sa senador, isa itong malinaw na kapabayaan ng lokal na pamahalaan ng Marikina.
Pinunto ng minority leader na sa ilalim ng Local Government Code, ang pamamahala sa mga pampublikong sementeryo ay kasama sa pangunahing responsibilidad ng city o municipal government.
Bukod dito, malinaw din aniya sa Marikina City Ordinance No. 020-2010 na kinakailangan ng tamang proseso at dokumento bago buksan ang anumang puntod o alisin ang mga labi mula sa sementeryo.
Giniit ni Pimentel na mayroong mga umiiral na panuntunan at proseso na dapat sundin, kaya’t anumang paglabag dito ay hindi dapat palampasin.
Kailangan aniyang managot ang mga nasa likod ng kapabayaang ito, at tiyakin na hindi na muling mauuulit ang ganitong kalapastanganan at kapabayaan. | ulat ni Nimfa Asuncion