Nagsagawa ng inspeksyon sina NCRPO chief PMajor General Sidney Hernia at QCPD Police Colonel Melecio Buslig sa Five Star Bus Terminal ngayong hapon.
Dagsa na rin ang mga pasahero sa naturang terminal.
As of 2pm, abot na sa 2,000 ang mga dumating na mga pasahero at sunod-sunod na rin ang alis ng mga pampasaherong bus papuntang norte.
Ito ay mga biyaheng Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan, Pampanga, at Northern Zambales.
Kinumusta ni Hernia ang ilang mga pasahero. Ayon Kay Hernia, kuntento sila sa latag ng seguridad ng mga police district at umaasa silang magiging maayos ang sitwasyon hanggang matapos ang paggunita ng Undas.
Pagkatapos ng inspeksyon sa bus terminal ay dumiretso si DD Buslig sa Holy Cross cemetery para mag-inspeksyon habang dumiretso sa Manila North cemetery si NCRPO chief. | ulat ni Diane Lear