17 indibidwal, patay sa agawan ng lupa ng MILF sa Maguindanao del Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 17 indibidwal ang nasawi sa naganap na sagupaan ng dalawang magkalabang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kagabi sa Sitio Gagadangan, Barangay Kilangan, bayan ng Pagalungan, Maguindanao del Sur.

Ito ang kinumpirma ni PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Jean Fajardo sa isang press conference sa Camp Crame, kaninang hapon.

Ayon kay Fajardo, nag-ugat ang engkwentro dahil sa alitan sa lupa na umaabot sa 45 ektarya ang lawak.

Batay sa impormasyon mula sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o PRO BARMM, sumalakay ang grupo ng isang Kumander Latip sa kuta ng kalabang grupo na pinamumunuan ni Kumander Sultan, bandang alas-11 kagabi.

Sa nasabing insidente, 16 na tauhan ni Kumander Latip ang nasawi habang isang tauhan naman ni Kumander Sultan ang napatay.

Sa kasalukuyan, kontrolado na ang sitwasyon sa lugar matapos ang pagdagdag ng puwersa ng pulisya at militar at paglalagay ng mga checkpoint. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us