Marikina solon, handang tumulong sa cremation ng higit 800 labi na hinukay sa Marikina City Public Cemetery

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas ang tanggapan ni Marikina 2nd District Representative Stella Quimbo para tulungan ang mga pamilyang apektado ng exhumation ng higit sa 800 labi sa Marikina City Public Cemetery.

Ayon kay Quimbo, kaisa sila sa pakikidalamhati sa biglaang paghukay sa mga labi ng namayapang kaanak lalo na at Undas.

Bukas aniya ang kaniyang tanggapan sa mga nais magpa-cremate ng mga labi ng kanilang mahal sa buhay na na-exhume.

Handa rin aniya silang magkasa ng isang Mass Blessing sa Marikina City Public Cemetery para sa mga labi ng kanilang kaanak.

Nanawagan naman ang lady solon sa lokal na pamahalaan na magkaroon ng mas maayos at mas makataong sistema para sa paglibing.

Kasama aniya rito ang pagpapatayo ng pampublikong kolumbaryo at pagkakaroon ng dagdag na pampublikong sementeryo para sa mga Marikenyo lalo na sa mga mahihirap.

Apela rin niya na maglabas ng listahan ng mga pangalan ng mga naapektuhan ng biglaang paghukay ng mga labi kalakip ang mga mahahalagang impormasyon upang mapanatili ang respeto at seguridad sa mga labi ng kanilang mahal sa buhay. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us