Kumpanyang sinalakay ng NCRPO sa Maynila, kinukwestyon ang isinagawang operasyon sa kanila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananawagan ng malalimang imbestigasyon ang kampo ng kumpanyang ni-raid ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong Martes ng gabi sa Ermita, Maynila kung saan inaaresto ang 69 foreign nationals.

Ayon sa abogado ng Quantum Innovate Solutions Corp. na si Atty. Elridge Marvin Aceron, tila may pagkukulang at pagkakamali ang mga otoridad na nagkasa ng operasyon sa bisa ng search warrant na inilabas ng Manila Regional Trial Court.

Aniya, ang target ng operasyon o searh warrant ay ang dating umookupang kumpaniya na Vertex Technology Corp. na hindi naman konektado sa kanila.

Hindi rin nagsasagawa ng operasyong POGO ang Quantum Innovate Solutions Corp. dahil business process outsourcing (BPO) ang kanilang trabaho.

Bukod dito, kwestyonable rin ang ginawang raid o operasyon sa 32nd floor ng gusali dahil hindi na ito saklaw pa sa search warrant kung saan inaresto ang isang indibidwal na inaakusahang kumidnap sa limang tao na nag-iisa lamang.

Nangangamba naman ang ibang empleyado sa kanilang seguridad at napag-alaman na bukod sa mga kinumpiskang gamit gaya ng personal comupter..nawawala rin ang ibang mahahalagang bagay tulad ng pera. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us