Maayos, payapa at normal.
Ito ang pinakahuling assessment ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pag gunita ngayon ng Undas 2024.
Ayon sa inilabas na datos ng NCRPO PIO, bagaman may mga naitalang ilang insidente gaya ng sunog sa Bagbag Cemetery at ilang kaso ng paghukay sa mga bangkay sa Marikina ay wala namang naitalang malalang insidente ang mga kapulisan.
Pero sa kabila nito, ay kinumpirma ng NCRPO na libo-libong mga ipinagbabawal na kagamitan pa rin ang nakukuha ng mga ito sa 76 na sementeryo sa buong kamaynilaan.
Matatandaang, nagpakalat ang NCRPO ng mahigit 12,000 mga tauhan nito habang nagtayo ito ng 157 na police assistance desk.
Titnutukan ng mga ito ang
a. Public Cemetery- 37
b. Private Cemetery- 39
Columbarium: 59
Security at Transportation Hubs (Bus Terminals, Train Stations and Sea/Airports)- 720
Security at other Places of Convergence (Malls, Churches, Parks, etc.)- 1,167
Security at Major Thoroughfares – 423
Train Marshals/On-board Security – 90
Area/Route Traffic Management – 211
TMRU/Motorcycle Patrol – 329
Mobile Patrol – 554
Beat Patrol – 466
QRT/QRF (SWAT/EOD-K9) – 268
Security at Border Control Points – 231
Law Enforcement Checkpoints – 650
Anti-Criminality Operations – 3,112
Covert Security/Intel Operatives – 391
Medical/EPR Teams – 88
Standby CDM Contingents – 476
DSSF/RSSF (Reserve Forces) – 831
DTOC/RTOC (Monitoring) – 151
| ulat ni Lorenz Tanjoco