Personal na binisita ni Eastern Police District (EPD) Director Police Colonel Villamor Tuliao ang ilang mga sementeryo sa Eastern Metro Manila.
Kabilang sa kanyang mga pinuntahan ay ang Pasig Catholic Cemetery at San Juan City Cemetery.
Ayon kay Tuliao, layon ng pag-iinspeksyon na ito na matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko sa mga sementeryo ngayong Undas.
Naka-heightened alert na ngayon ang buong kapulisan para sa Undas.
Siniguro ni Tuliao, na maayos ang kalagayan ng mga pulis na naka-deploy sa mga sementeryo at tiningnan din niya ang mga command center na tumatanggap ng mga reklamo at sumbong.
Sa kasalukuyan, nananatiling mapayapa at maayos ang sitwasyon sa mga sementeryo sa Eastern Metro Manila. | ulat ni Diane Lear