Makakaasa ang mga magsasakang apektado ng Bagyong Kristine ng agarang tulong sa Department of Agriculture.
Ito kasunod ng direktiba ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa Philippine Crop Insurance Corp. na mabilis na irelease ang indemnification payment sa mga magsasakang may insured na lupa.
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, nasa higit P600-M ang handa nang ipagkaloob ng PCIC sa nasa 86,000 apektadong magsasaka.
Sa oras na matapos aniya ang validation sa mga sakahan ay agad na matatanggap na ng mga magsasaka ang pondong ito.
Bukod pa ito sa mga binhi at agri inputs na nakapreposisyon na sa mga regional offices ng DA, Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC) at nasa P1-B Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga nasirang pananim.
Tuloy tuloy rin ang deployment ng Kadiwa stores sa mga apektadong rehiyon para maibsan ang pagtaas ng presyo ng agri commodities.
Aminado naman si Asec. De Mesa na maaaring magdulot ng taas presyo sa ilang highland at lowland vegetables ang mga nagdaang kalamidad.
Gayunman, ito niya ay pansamantala lang at may mga pagkukunan pa rin ng naman suplay ng gulay sa iba pang bahagi ng bansa na hindi gaanung tinamaan ng bagyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa