Bagyong Marce, lumakas pa at malapit na sa typhoon category

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumakas pa at halos nasa typhoon category na ang bagyong Marce.

Huling namataan ang sentro ng Severe Tropical Storm Marce sa layong 735 km silangan ng Baler, Aurora, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 110 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 135 km/h.

Nakataas ang TCWS No:1

Luzon:
Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, northern at eastern portions ng Isabela (Maconacon, San Pablo, Palanan, Dinapigue, Santa Maria, Cabagan, Tumauini, Santo Tomas, Ilagan City, Divilacan, San Mariano), northern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan, Flora, Pudtol), at northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Dumalneg, Adams, Bangui, Burgos, Pasuquin, Vintar).

Nakataas na rin ang Gale Warning sa northern at eastern seaboards ng Northern Luzon.

Inaasahang patuloy na kikilos pa-hilagang-kanluran ang bagyo at mabilis na lalakas sa typhoon category ngayong araw.

Sa forecast track, maaaring mag-landfall si Marce sa paligid ng Babuyan Islands o sa hilagang bahagi ng mainland Cagayan sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng madaling araw.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us