Nakahanda na ang lahat ng mga kagamitan ng Philippine Coast Guard (PCG) North Western Luzon upang magbigay ng tulong sa mga maaapektuhan ng bagyong Marce.
Ayon kay PCG Admiral Ronnie Gil Gavan, nasa Heightened Alert ngayon ang lahat ng District Station at Sub Station sa North Western Luzon.
Ibig sabihin, kanselado ang lahat ng leave at day off ng mga kawani upang matutukan ang paglilikas sa mga maaapektuhan na mga residente.
Nakaposisyon na rin ang mga kagamitan tulad ng mga barko, rubber boats, chopper, at iba pa para sa mas mabilis na pagtugon.
Sinabi ng PAGASA Weather Bureau, posibleng mag-landfall ang bagyo sa Ilocos Region at Cagayan Valley bago ang weekend. | ulat ni Mike Rogas
📸 PCG