Nagsimula nang magbawas ng tubig ang dalawang dam sa Benguet sa Luzon.
Bunsod ito ng mga nararanasang pag ulan sa bahagi ng Luzon dulot ni bagyong Marce.
Sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, sabay na binuksan kaninang umaga ang tig isang gate ng Ambuklao at Binga Dam.
Abot sa 33 cubic meters per second (cms) ang pinapakawalang tubig ng Ambuklao habang 32.28 cms naman sa Binga .
Batay sa monitoring, nasa 751.41 meters ang water elevation ng Ambuklao o may pagitan na .59 meters bago maabot ang 152.00 meters normal level.
Habang 574.68 meters naman ang water level ng Binga na may pagitan lamang na .32 meters bago ang 575.00 meters normal water level.
Kaugnay nito, pinag iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga low lying areas na posibleng maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig ng dalawang dam. | ulat ni Rey Ferrer