Nasa mahigit P15 milyong halaga ng iba’t ibang uri ng illegal drugs ang nasabat ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod.
Kasabay nito ang pagkaaresto sa anim na drug suspects na sina Arlene Ann Goco; Lia Lauren Llige; Daryl Sarona; Jerome Palacios; Terence Concepcion at Mohammad Villar Dana.
Ayon kay QCPD Acting District Director, P/Col. Melecio Buslig, Jr., nahuli ang mga drug personality sa isinagawang operasyon ang QCPD District Drug Enforcement Unit at PDEA -NCR.
Nahuli sa unang operasyon sa Aurora Blvd., Barangay Kaunlaran sina Goco, Llige at Sarona at Palacios.
Sunod namang nakorner sa kahabaan ng Carlos P. Garcia Ave. Brgy. UP Campus sina Concepcion at Dana.
Nakumpiska mula sa kanila ang high grade marijuana, marijuana kush oil, mga marijuana vape, ecstacy tablets, mga celphone, isang Nissan Navarra at iba pa. | ulat ni Rey Ferrer