Muling magkakasa ng Passport on Wheels ang Lokal na Pamahalaan ng Parañaque sa darating na Lunes, Mayo 29, sa SM City BF Parañaque.
Layon nitong ilapit sa publiko ang mga serbisyo tulad ng pagkuha ng bagong passport gayundin ang pagpapa-renew nito.
Katuwang din sa proyektong ito ang Parañaque City Cultural, Historical, and Tourism Promotions Division sa ilalim ng City Tourism Office at ang Department of Foreign Affairs.
Para sa iba pang katanungan o kaugnay na impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng City Tourism Office, na matatagpuan sa 2nd floor ng Parañaque City Hall. | ulat ni Jaymark Dagala