Task Force kontra El Niño, pinagana na ng Makati LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ngayon ni Makati City Mayor Abby Binay ang pagbuo ng isang task force para harapin ang mga problemang dala ng inaasahang El Niño phenomenon sa mga darating na buwan.

Ang Task Force El Niño and Southern Oscillation o ENSO, ang siyang mamamahala sa paghahanda ng buong lungsod, kasama ang mga supplier ng kuryente at tubig, para sa posibleng kakulangan ng kuryente at tubig.

Ayon kay Mayor Abby, ang pagbuo ng Task Force ENSO ay isang proactive action para matugunan ang mga epekto at hamong dala ng El Niño.

Kabilang sa mga ito ang mababang supply ng pagkain sa merkado, pagdami ng mga kasong kailangan ng emergency healthcare services, rotational brown outs, at kakulangan sa supply ng tubig sa Makati.

Ayon sa PAGASA, nasa 80 percent na ang posibilidad na mararanasan ng bansa ang mga epekto ng El Niño sa mga buwan ng Hunyo hanggang Setyembre. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us