Hindi pa pinapayagan ng Office of Civil Defense Region 2 (OCD 2) na makabalik sa kanilang mga tahanan ang mga evacuee na nakatira malapit sa Cagayan River.
Bagama’t gumanda na ang panahon matapos manalasa ang mga Bagyong Leon, Marce at Nika.
Ayon kay OCD 2 Regional Director Leon Rafael, mas mainam na manatili muna ang mga residente sa mga evacuation center dahil sa banta ng mga susunod pang bagyo.
Base sa ulat ng ahensya, mahigit 19,000 katao o 6,070 na pamilya ang naapektuhan ng mga nakaraang bagyo sa Region 2.
Gayunpaman, tiniyak ni Rafael na manageable ang sitwasyon sa rehiyon at sapat ang suplay ng pagkain para sa mga evacuee.
Patuloy din ang mahigpit na monitoring ng ahensya sa antas ng tubig sa Cagayan River System dahil sa posibleng pagtaas ng antas ng tubig nito.| ulat ni Diane Lear