Napanatili ng Bagyong Ofel ang lakas nito habang patuloy na kumikilos pa-kanluran hilagang kanluran ng Philippine Sea.
As of 10am, naitala ang sentro ng bagyo sa layong 485 km East Northeast ng Daet, Camarines Norte taglay ang lakas ng hanging aabot sa 120 km/h at pagbugsong hanggang 150 km/h.
Nakataas na ngayon ang Signal no. 2 sa mga sa na lugar:
eastern portion ng mainland Cagayan (Baggao, Peñablanca, Gattaran, Gonzaga, Lal-Lo, Santa Ana), eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan).
Habang Signal no. 1 naman ang umiiral sa:
Batanes, Babuyan Islands, nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, eastern portion ng Ifugao (Dilasag, Casiguran), Ilocos Norte, at northern portion ng Aurora (Alfonso Lista, Aguinaldo, Banaue, Mayoyao, Hingyon, Hungduan).
Batay sa forecast track ng PAGASA, inaasahang patuloy na lalakas ang Bagyong Ofel sa loob ng 24 oras at posibleng maabot pa ang ‘peak intensity’ sa oras na maglandfall sa eastern coast ng Cagayan o Isabela bukas ng hapon.
Hindi rin iniaalis ang posibidad na magbago pa ang track ng bagyo kaya dalawang scenario ang pinaghahandaan ng PAGASA: ang northwestward track hanggang biyernes at recurving track.
Patuloy na pinapayuhan ang publiko at ang mga tanggapan ng disaster risk reduction and management na gumawa ng kaukulang hakbang para maiwasan ang pinsala ng bagyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa