Ibaba na sa P42 mula sa P43 kada kilo ang presyo ng bigas na ibinebenta sa Rice-for-All program simula bukas para ipakita ang epekto ng pagbabawas ng taripa kamakailan.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na ang presyo para sa Rice-for-All program ay maaaring bumaba sa hinaharap depende sa global prices at piso-dollar exchange rate.
Hindi tulad ng P29 kada kilo na bigas na eksklusibong ibinebenta sa mga nasa vulnerable sector at makakakuha lamang ng maximum na 10 kilo bawat buwan.
Ang programang Rice-for-All ay magagamit sa bawat mamimili nang walang limitasyon.
Nauna nang ibinaba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang taripa sa imported rice sa 15 % mula sa 35 % na epektibo noong Hulyo.
Nilalayon nito na mapababa ang halaga ng bigas, ang pangunahing pagkain ng bansa.| ulat ni Rey Ferrer