Patuloy ang paglakas ng bagyong Ofel na malapit na sa Super Typhoon Category.
Sa 5am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 215 km silangan ng Echague, Isabela taglay ang lakas ng hanging aabot sa 165 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 205 km/h.
Nakataas na ang Signal no. 4 sa northeastern portion ng Cagayan( Sta Ana, Gonzaga, Santa Teresita)
Signal No. 3 naman sa northwestern, central, at eastern portions ng mainland Cagayan (Claveria, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Lal-Lo, Allacapan, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Lasam, Alcala, Amulung, Iguig, Santo Niño, Buguey) kabilang ang Babuyan Islands, at northeastern portion ng Isabela (Maconacon, San Pablo, Divilacan, Palanan), at northern portion ng Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol, Calanasan).
Nasa Signal no. 2 ang Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan, northwestern at southeastern portions ng Isabela (Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, Tumauini, Ilagan City, Delfin Albano, Quezon, San Mariano, Dinapigue, Quirino, Mallig), nalalabing bahagi ng Apayao, northern portion ng Kalinga (Pinukpuk, Rizal, City of Tabuk, Balbalan), northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong), at northern at central portions ng Ilocos Norte (Carasi, Vintar, Burgos, Adams, Pagudpud, Bangui, Dumalneg, Pasuquin, Bacarra, Piddig, Nueva Era, Solsona, Dingras, Marcos, Banna, Sarrat, Laoag City, San Nicolas, City of Batac, Paoay).
Habang Signal no. 1 sa nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Abra, nalalabing bahagi ng Kalinga, Mountain Province, Ifugao, northern portion ng Benguet (Bokod, Mankayan, Kapangan, Atok, Kabayan, Kibungan, Bakun, Buguias, Tublay), nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, northern portion ng La Union (Luna, Sudipen, Bangar, Santol, San Gabriel, Bagulin, Bacnotan, Balaoan, San Juan), at northern at central portions of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis).
Nakataas na rin ang gale warning sa northern at eastern seaboards ng Northern Luzon at eastern seaboard ng Central Luzon.
Sa forecast track ng PAGASA, posibleng mag-landfall na ang bagyo mamayang hapon sa eastern coast ng Cagayan o northern Isabela. Hindi rin iniaalis ang posibilidad na magtaas ng Signal no. 5.
Samantala, ngayong Huwebes din inaasahang papasok ng PAR ang bagyo sa labas ng bansa na tatawaging Pepito at tutumbukin ang Bicol Region, Eastern Visayas, ilang bahagi ng Southern Luzon, kasama ang Metro Manila. | ulat ni Merry Ann Bastasa