DSWD, handa sa posibleng epekto ng bagyong Pepito sa Region 8

Facebook
Twitter
LinkedIn

Higit 81,000 family food packs (FFPs) ang naka-preposisyon na sa iba’t ibang strategic areas sa mga bayan ng Rehiyon 8 ang inihanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas, sa posibleng maging epekto ng Severe Tropical Storm “Pepito” sa rehiyon.

Ito ay batay sa pinakahuling ulat na ipinalabas ng DSWD 8.

Ang nasabing FFPs ay bahagi ng higit P112 milyong halaga ng total available resources ng ahensiya, kung saan binubuo ito ng higit P2 million standby funds, at higit P110 million halaga ng food at non food items (NFIs).

Photo by DSWD Eastern Visayas

Aabot sa higit 36,000 ang nakahandang NFIs: 5,844 family kits; 5,780 sleeping kits; 3,676 hygiene kits; 5,055 kitchen kits; at 16,115 iba pang NFIs.

Ang nasabing resources ay nakalaan para sa response operations at resource augmentation bilang tugon at suporta sa mga local government unit (LGUs) sa rehiyon, sa panahon ng kalamidad at emergencies. | ulat ni Diane Camplon, Radyo Pilipinas Borongan

📷: DSWD EV

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us