Mga simbahan sa Catanduanes, bukas para sa evacuees

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ngayon ng Diocese of Virac na bukas ang kanilang mga simbahan sa Catanduanes para sa mga kinakailangang magsilikas dahil sa bagyong #PepitoPH.

Ayon sa pahayag ng Diocese, sa marami nang nagdaang henerasyon, ang kanilang mga simbahan ay naging kanlungan at ‘safe haven’ para sa lahat regardless kung ano man ang paniniwala o relihiyon ng mga ito.

Samantala, nilinaw naman ng Diyosesis na hindi lahat ng kanilang simbahan at barangay chapel ay angkop maging evacuation center dahil sa kanilang structural concerns o lokasyon, kung kaya’t tanging ang mga matitibay na simbahan lamang ang tatanggap ng evacuees dahil prayoridad pa rin aniya nila ang kaligtasan ng mga ito.

Sa huli ay hinikayat ng Diocese ang mga mananampalataya na manalangin at magdasal para sa kaligtasan ng lahat laban sa hagupit ng bagyong Pepito. | ulat ni Juriz dela Rosa, Radyo Pilipinas Virac

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us