Nakatutok pa rin ang Philippine Air Force sa pagbibigay ng Humanitarian Assistance at Disaster Relief Operations partikular na sa mga lugar na pinadapa ng Super Bagyong Pepito.
Ayon kay Air Force Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, naka-antabay ang kanilang mga asset gaya ng:
- Transport Aircraft: C-130, C-295, F-27, NC-212i
- Utility Helicopters: Huey II, Super Huey, B-205A, UH-1H, S-70i Black Hawk
- Search and Rescue Helicopters: S-76A, W-3A Sokol
Bukod sa ginagamit ito sa Search, Rescue and Retrieval Operations, sinabi ni Castillo na ginagamit din nila ang mga ito para sa paghahatid ng ayuda sa mga apektadong lugar.
Samantala, nananatiling activated ang nasa 534 na Search, Rescue and Retrieval Teams ng Philippine Army para tumulong naman sa nagpapatuloy na operasyon.
Kabilang na rito ayon kay Army Spokesperson, Col. Louie Dema-ala ang 9th Infantry Division sa Bicol region, 2nd Infantry Division sa Quezon at ang 7th Infantry Division sa Pampanga. | ulat ni Jaymark Dagala