Mga Pulis na nasawi at nasugatan sa madugong drug buy-bust ops sa Sultan Kudarat, pinarangalan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang parangal ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) ang dalawa nitong tauhan na nasawi gayundin ang dalawang nasugatan sa madugong drug buy-bust operations sa Sultan Kudarat, nitong Biyernes.

Personal na iginawad ni PDEG Director, Police Brigadier General Eleazar Matta ang medalya ng kadakilaan kina Police Corporal Kurt Sipin at Patrolwoman Roselyn Bulias, na nasawi matapos mauwi sa engkwentro ang operasyon.

Habang medalya ng sugatang magiting naman ang iginawad kina Patrolman Eddie Sugarol at Patrolman Jonnel Ramos, na kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.

Tiniyak ni Matta na sasagutin ng PNP ang pagpapalibing kina Sipin at Bulias, at bibigyan din ng tulong pinansyal ang pamilya nito habang sasagutin din ang pagpapagamot kina Ramos at Sugarol.

Magugunitang bago magtanghali nitong Biyernes nang nasawi sina Sipin at Bulias, matapos barilin ng mga drug suspek nang magpanggap silang poseur buyer sa ikinasang operasyon, habang sugatan naman sina Sugarol at Ramos matapos itong mauwi sa engkwentro.

Sugatan din ang dalawang drug suspek sa insidente habang nakatakas ang dalawang kasamahan nila at nakakumpiska sa mga suspek ng 1 kilo ng pianniniwalaang shabu na may street value na Php 6.8 milyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us