Ikinatuwa ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagbaba ng walong focus crimes sa Lungsod Quezon sa unang quarter ng taong 2024.
Ayon kay QCPD Acting Director Melecio Buslig Jr., mula Oktubre 1 hanggang Nobyembre 15 2024, nakapagtala ang pulisya ng 187 insidente ng walong major crimes kumpara sa 240 insidente na naitala mula Agosto 15 hanggang Setyembre 30, 2024.
Batay sa datos ng QCPD, may naitala silang pagbaba sa mga nasabing krimen ng 53 insidente o 22.08%.
Ang kasong theft o pagnanakaw ang naitalang may pinakamababang insidente ng hanggang 22.43%.
Ang Kamuning Police Station naman ang nakapagtala ng pinakamalaking pagbaba sa walong focus crime.
Naniniwala si Col. Buslig na ang pagbaba sa major crimes sa lungsod ay dahil sa pinalakas na kampanya sa lahat ng uri ng krimen at ang pangako na tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng lungsod. | ulat ni Rey Ferrer