Apat na barangay sa Bauko Mountain Province ang napasok na ng mga personnel ng Deparment of Social Welfare and Development (DSWD) sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa ulat ng DSWD Field Office CAR, kabilang ang lugar na ito sa mga napinsala ng grabe ng bagyong Pepito.
Mga family food pack at non food items ang naipamahagi sa mga residente ng Barangay Guinzadan Central, Barangay Sinto, Barangay Monamon Sur, at Monamon Norte.
Naisagawa ang mabilis na relief operation sa tulong ng localgovernmentunit, Municipal Action Team Bauko, at mga volunteer mula sa Philippine National Police, at Bureau of Jail Management and Penology. | ulat ni Rey Ferrer