Nagpahayag ng mariing pagkondena ang Commission on Elections (Comelec) matapos pagbabarilin ang kandidato sa pagka-bise alkalde sa South Cotabato.
Ayon kay Comelec Chair George Erwin Garcia, walang puwang sa demokrasya ang ganitong uri ng mga pagpatay kung kayat dapat lamang na kinokondena.
Aminado siya na hindi pa sakop ng Comelec ang ganitong panahon dahil hindi pa nagsisimula ang election period kaya hindi pa matatawag na election related incident.
Umaapela siya sa mga law enforcement agency na agad arestuhin ang taong nasa likod ng pagpatay.
Si Vice Mayoralty Candidate Jose Osoria, na kasalukuyang Barangay chairman ng Bukay Pait Tantangan South Cotabato ay pinagbabaril habang nasa eatery na pagmamay-ari ng kanyang asawa noong Lunes ng umaga, November 18. | ulat ni Mike Rogas