No Day Off policy, ipatutupad ng PNP simula Dec. 15, bilang paghahanda sa panahon ng Kapaskuhan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kabila ng pagtugon sa kalamidad, pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang panahon ng Kapaskuhan.

Maaga pa lamang, inanunsyo na ni PNP Public Information Office Chief, Police Brog. Gen. Jean Fajardo na ipatutupad na nila ang No Day Off policy simula December 15 hanggang January 12 ng susunod na taon.

Kasunod nito, sinabi ni Fajardo na bahagi ito ng pagpapaigting ng kanilang puwersa dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga Pilipino sa mga istratehikong lugar gaya ng mga paliparan, pantalan, simbahan, malls, pasyalan, at iba pa.

Sa panahon ding ito ani Fajardo, itataas ng PNP ang Heightened Alert status para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng publiko sa panahong ito.

Batay sa datos ng PNP, bumaba ng mahigit 21% ang mga naitalang krimen sa bansa buhat nang magsimula ang BER-months ngayong taon mula sa mahigit 25% sa kaparehong panahon noong isang taon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us