House repair kits, cash assistance, ipapamahagi ng DHSUD sa Catanduanes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mamamahagi ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Region V ng tulong para sa mga Catandunganon na nasalanta ng Super Typhoon ‘Pepito’ sa pamamagitan ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP) at Housing Materials and Essentials (HOMEs).

Ayon kay DHSUD-5 Regional Director Atty. Richard L. Manila, magbibigay sila ng P30,000 cash assistance para sa mga bahay na lubos na nasira at P10,000 cash assistance para sa mga bahay na bahagyang nasira sa ilalim ng IDSAP.

Bilang karagdagang tulong, mag-aalok din sila ng home repair kits sa ilalim ng HOMEs. Ang mga kit na ito ay naglalaman ng Galvanized Iron Sheet, plywood cocolumber, at mga pako.

Kaugnay nito ay nagpulong na sina Manila at Gobernador Joseph “Boboy” C. Cua, RD Manila, pati na rin ang mga alkalde ng bawat munisipyo upang talakayin ang mga hakbang sa pagtulong. | ulat ni Juriz Dela Rosa, Radyo Pilipinas Virac

📷Catanduanes Government

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us