Nagkaisa ang mga lider ng Eastern Visayas sa pagkondena sa mga pagatake ni Vice President Sara Duterte laban kina pang Ferdinand R. Marcos Jr. at Speaker Martin Romualdez, na tinawag nilang “reckless, divisive at baseless.”
Pinangunahan nina Leyte Rep. Anna Victoria Veloso-Tuazon, Biliran Rep. Gerardo “Gerryboy” J. Espina Jr. and Samar Reps. Reynolds Michael Tan Stephen James Tan, kasama ang higit 40 top local leaders ng Eastern Visayas sa paglagda ng Joint Manifesto of Indignation.
Giit nila hindi lang ito basta insulto sa kanilang mga lider ngunit maging sa mga Waray ang mga pahayag ni Duterte.
“these unwarranted attacks are an affront not only to a leader of impeccable integrity but also to the pride and dignity of the Waray people – whose values of resilience, hard work and honor are personified by Speaker Romualdez.” Sabi sa manifesto.
Tinuligsa rin ng mga leaders ang kawalan ng paggalan ni Duterte hindi lang kay Romaualdez ngunit maging sa legasiya ng Pangulong Marcos Jr. na may dugong Waray.
“Vice President Duterte’s unfounded allegations also insult the Romualdez legacy, which extends to President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., who shares Waray blood through his mother, former First Lady Imelda Romualdez Marcos,” saad pa sa pahayag.
Ipinagmalaki ng mga Eastern Visayan leaders ang mga napagtagumpayan nina Speaker Romualdez at Pangulong Marcos Jr. na nagdala ng pag-asenso sa bansa dahil sa kanilang pamumuno.
Isang hiwalay na manifesto rin na nilagdaan at inilabas ang pitong mayor ng mga munisipalidad ng first legislative district ng Leyte ang naghahayag ng maigting na pag-depensa para kay Speaker Romualdez at pag-batikos sa malisyoso at walang basehang. akusasyon ni VP Duterte na pinopolitika siya. | ulat ni Kathleen Forbes