Naniniwala ang National Police Commission (NAPOLCOM) na hindi na kailangan pa ng anumang loyalty check sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito kasunod pahayag ng dating Pangulo sa pulis at militar na kumilos laban sa anito’y ‘fractured government’.
Sa isang panayam, ipinunto ni NAPOLCOM Comm. Rafael Vicente Calinisan na kumpiyansa ito kay PNP Chief Gen. Rommel Marbil at sa buong hanay ng kapulisan.
Tiwala rin itong patuloy na paiiralin ng pambansang pulisya ang kanilang propesyonalismo sa paggampan ng tungkulin.
Aniya, walang dapat ipag-alala ang taumbayan dahil nananatiling tapat sa konstitusyon ang PNP. | ulat ni Merry Ann Bastasa