Dalawang farmers organization sa Palawan, pinagkalooban ng higit ₱6.7-milyong halaga ng kagamitang pambukid ng DAR

Mahigit 400 agrarian reform beneficiaries sa Palawan ang pinagkalooban ng ₱6,742,000 farm equipment at tractors ng Department of Agrarian Reform (DAR). Ayon kay Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, ipinagkaloob ang mga kagamitan sa dalawang (2) agrarian reform beneficiaries’ organizations. Ito ang Bono-Bono Gintong Butil Multi-Purpose Cooperative sa Bataraza agrarian reform community at Malalong-Binasbas Agriculture… Continue reading Dalawang farmers organization sa Palawan, pinagkalooban ng higit ₱6.7-milyong halaga ng kagamitang pambukid ng DAR

PBBM, tumangging sagutin ang mga naging patama ni FPRRD

Ayaw patulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtawag sa kanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na “cry-baby” dahil sa umano’y pagkiling niya sa Estados Unidos. Ayon sa Pangulo, wala siyang interes na sagutin ang patutsada ng dating Presidente. Ang aniyay “ad hominem attacks” o personal na pag-atake ay hindi sana nangyayari sa ganitong… Continue reading PBBM, tumangging sagutin ang mga naging patama ni FPRRD

House leader, tiniyak ang suporta ng Kamara kay PBBM sa pagsisikap nitong isulong ang interes ng Pilipinas sa WPS

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez ang suporta ng Kamara kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pagsisikap na isulong ang interes ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) at peace and stability sa Indo-Pacific. Umaasa rin si Speaker Romualdez na sa pamamagitan ng makasaysayang trilateral meeting ng USA-Japan at Pilipinas ay huhupa na… Continue reading House leader, tiniyak ang suporta ng Kamara kay PBBM sa pagsisikap nitong isulong ang interes ng Pilipinas sa WPS

Crackdown laban sa colorum operators, ipinag-utos ng DILG sa LGUs

Dapat nang tiyakin ng local government units na may mga prangkisa ang lahat ng pampublikong transportasyon bago payagang makagamit ng transport terminals at makabiyahe sa kanilang ruta. Naglabas ng direktiba si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. matapos niyang ipaaresto ang babaeng nagpakilalang malayo niyang kaanak. Bunsod ito ng pagkakahuli ng mga awtoridad sa kanyang kolorum… Continue reading Crackdown laban sa colorum operators, ipinag-utos ng DILG sa LGUs

Ginanap na trilateral meeting, hindi makakaapekto sa mga posibleng investment sa Pilipinas ayon kay PBBM

Hindi nakikitang magkakaroon ng epekto ang ginanap na trilateral meeting ng Pilipinas, US at Japan sa investment sa bansa mula sa China. Sa Kapihan with Media sa Washington, inihayag ng Pangulo na wala siyang nakikitang koneksyon sa dalawang magkahiwalay na usapin. Naniniwala ang Pangulo na ipagpapatuloy pa rin ng China ang kalakalan sa bansa at… Continue reading Ginanap na trilateral meeting, hindi makakaapekto sa mga posibleng investment sa Pilipinas ayon kay PBBM

Matibay na commitment ng Estados Unidos at Japan sa pagtataguyod ng soberanya ng Pilipinas at interes sa WPS, tagumpay para sa bansa

Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na maituturing na tagumpay ng Pilipinas nang makuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “solid commitment” ng bansang America at Japan na itaguyod ang soberanya at territorial integrity ng bansa. Ginawa ng House leader ang pahayag kasunod ng inilabas na Joint Vision Statement nina US President Joe Biden, Japan… Continue reading Matibay na commitment ng Estados Unidos at Japan sa pagtataguyod ng soberanya ng Pilipinas at interes sa WPS, tagumpay para sa bansa

PBBM, kumpiyansang maaabot ang 100-billion-dollar investment mula sa US at Japan sa loob ng 5-10 taon

Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makakamit ng Pilipinas ang 100 bilyong dolyar na pamumuhunan mula sa US at Japan sa susunod na 5-10 taon kasunod ng katatapos lamang na Trilateral Summit sa Washington, USA. Sa kapihan with media sa Washington, inihayag ng Pangulo na tukoy na nila ang mga area at sektor… Continue reading PBBM, kumpiyansang maaabot ang 100-billion-dollar investment mula sa US at Japan sa loob ng 5-10 taon

Partylist solon, nanawagan sa local government executives na maging proactive at protektahan ang vulnerable sectors ngayong sobrang init ng panahon

Nanawagan ni Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes sa local government units na atasan ang bawat barangay sa kanilang nasasakupan na magsagawa ng house-to-house wellness check sa gitna ng nararanasan ngayong sobrang init ng panahon. Ayon kay Ordanes, maaaring magsagawa ng pagbabahay-bahay ang barangay health workers, tanod, at social welfare officers ng munisipyo sa… Continue reading Partylist solon, nanawagan sa local government executives na maging proactive at protektahan ang vulnerable sectors ngayong sobrang init ng panahon

PBBM, pabalik na ng Pilipinas matapos ang tatlong araw na official visit sa Washington

Pabalik na ng Pilipinas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng matagumpay na tatlong araw na official visit nito sa Washington, USA. Sa Facebook post ng PCO, makikita sa larawan na nasa Joint Base Andrews Airport na ang Pangulo at paggayak na pabalik ng Manila. Kaugnay nito’y sinabi ng Presidential Communications Office na naging… Continue reading PBBM, pabalik na ng Pilipinas matapos ang tatlong araw na official visit sa Washington

Mas mainit na panahon, tatagal pa hanggang Mayo -PAGASA

Tatagal pa ang mararanasang mas matinding init na panahon hanggang kalagitnaan ng Mayo ngayon taon. Ito ang inihayag ng PAGASA Weather Bureau matapos maitala pa ang mataas na heat index o init ng panahon ngayong araw. Batay sa highest heat index na inilabas ng Weather Bureau ngayong hapon, naitala ang lampas na 40 °C sa… Continue reading Mas mainit na panahon, tatagal pa hanggang Mayo -PAGASA