Ilan pang kandidato para sa pagkakongresista, naghain ng kanilang COC sa COMELEC NCR

Umabot na sa 44 ang mga aspiring candidate para sa pagkakongresista ang naghain ng kanilang certificate of candidacy sa Commission on Elections-National Capital Region. Bago magtanghali kanina, kabilang sa mga naghain pa ng COCs ay sina Dr. Louisito Chua bilang independent para sa ikaapat na Distrito ng Maynila at Florencio Garcia Noel ng Malabon na… Continue reading Ilan pang kandidato para sa pagkakongresista, naghain ng kanilang COC sa COMELEC NCR

Quad Comm, hinimok si dating Sec. Roque na humarap na sa komite matapos ibasura ng SC ang inihaing petition for writ of amparo

Nanawagan ngayon ang ilan sa miyembro ng Quad Comm ng Kamara kay dating presidential spokesperson Harry Roque na sumuko na sa komite. Ito’y matapos ibasura ng Korte Suprema ang inihain nitong petisyon para ipawalang bisa ang contempt at detention order ng komite laban sa kaniya. Ayon kay Quad Comm co-chair Dan Fernandez mas mabuting ipresenta… Continue reading Quad Comm, hinimok si dating Sec. Roque na humarap na sa komite matapos ibasura ng SC ang inihaing petition for writ of amparo

Mga panuntunan sa pagpapatupad ng ‘rationalizing teachers’ workload and overload compensation’ para sa mga guro, inilabas ng DepEd

Inilabas ng Department of Education (DepEd) ang mga panuntunan kaugnay sa ‘rationalizing teachers’ workload and overload compensation’. Ito ay alinsunod sa DepEd Memorandum No. 053 na layong pangalagaan ang guro at kawani sa mga pampublikong paaralan sa bansa. Base sa memorandum hindi dapat lalagpas sa anim na oras ang pagtuturo ng mga guro, kung hindi… Continue reading Mga panuntunan sa pagpapatupad ng ‘rationalizing teachers’ workload and overload compensation’ para sa mga guro, inilabas ng DepEd

Sen. Escudero, aminadong maliit ang tiyansang makapasa sa Kongresong ito ang anti-dynasty law

Para kay Senate President Chiz Escudero, maliit ang tiyansa na makapasa ang anti-dynasty bill ngayong 19th Congress. Paliwanag ni Escudero, sa ngayon ay wala pa kasing bersyon na naglalaman ng malinaw na depinisyon at sakop ng matatawag na political dynasty. Kahit nasimulan na aniya sa BARMM at SK elections ang pagpapatupad ng anit dynasty law… Continue reading Sen. Escudero, aminadong maliit ang tiyansang makapasa sa Kongresong ito ang anti-dynasty law

Panukalang 2025 budget, agad na isasalang sa plenaryo sa pagbabalik sesyon ng Senado sa Nobyembre

Nilatag ni Senate President Chiz Escudero ang magiging timeline sa pagpapasa ng Senado ng panukalang 2025 national budget. Ayon kay Escudero, nakausap na niya tungkol dito si Senate Committee on Finance Chairperson Senadora Grace Poe at ang LBRMO. Sinabi aniya ng mga ito na sa ngayon ay on track sila sa pagtalakay ng panukalang budget… Continue reading Panukalang 2025 budget, agad na isasalang sa plenaryo sa pagbabalik sesyon ng Senado sa Nobyembre

Land at sea travel bilang exit point ng mga Pilipinong naiipit sa Lebanon, pinag-aaralan na

Pinag-aaralan na rin ng Department of Migrant Workers (DMW) ang alternate routes o paglikas sa mga Pilipino nasa Lebanon sa pamamagitan ng land o sea travel. “We have 111 OFWs in four of our shelters; 63 po iyong nasa Hotel Monteverde; and then inilikas po natin kasi iyong nandudoon sa shelter natin sa MWO because… Continue reading Land at sea travel bilang exit point ng mga Pilipinong naiipit sa Lebanon, pinag-aaralan na

Phivolcs, pinag-iingat ang publiko kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal

Muling nagpaalala ang Phivolcs sa publiko kasunod ng panibagong pagputok ng Bulkang Taal kaninang hapon. Dapat tandaan ng publiko ang “Safety Tips” sa panahon na nag aalburoto ang bulkan. Ayon sa Phivolcs, ugaliin ang pakikinig sa radyo at telebisyon at iwasan ang pumasok sa mga itinalagang lugar na may panganib ng bulkan at sumunod sa… Continue reading Phivolcs, pinag-iingat ang publiko kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal

Pitong state universities, nabigyan ng pondo para sa pagpapalakas ng kanilang Doctor of Medicine Programs

Pitong state universities ang nakuha ng seed fund mula sa Commission on Higher Education (CHED) para sa kanilang Doctor of Medicine Programs. Kabilang sa mga unibersidad na nakatanggap ng tig-40 million pesos na seed fund ang sumusunod: 1. Bulacan State University 2. Don Mariano Marcos Memorial State University 3. Samar State University 4. University of… Continue reading Pitong state universities, nabigyan ng pondo para sa pagpapalakas ng kanilang Doctor of Medicine Programs

Panibagong insidente ng hazing sa isang grade 11 student, kinondena ni Sen. Zubiri

Mariing kinondena ni Senador Juan Miguel Zubiri ang napaulat na panibagong insidente ng hazing na nagreulta sa pagkamatay ng isang 18-year-old grade 11 student sa Nueva Ecija. Kinilala ang biktima na si Ren Joseph Bayan. Kasabay ng pakikiramay sa pamilya ng biktima, nanawagan rin ang senador sa mga awtoridad na bilisan ang pag aksyon sa… Continue reading Panibagong insidente ng hazing sa isang grade 11 student, kinondena ni Sen. Zubiri

Mga pensioner na ipinanganak ngayong Oktubre, pinagsusumite na ng ACOP ng SSS

Maaari nang magsumite sa social security system (SSS) ng annual confirmation of pensioners (ACOP) ang mga pensioner at namatay na miyembro na ipinanganak ngayong buwan ng Oktubre. Sa abiso ng SSS, kailangang maisumite ng mga pensioner ang ACOP compliance bago matapos ang buwan. Obligado silang gawin ito upang magtuloy-tuloy ang kanilang pagtanggap ng buwanang pensyon.… Continue reading Mga pensioner na ipinanganak ngayong Oktubre, pinagsusumite na ng ACOP ng SSS