Alice Guo, pumalag sa isang dokumentaryo ukol sa mga Chinese spies; Guo nanindigang Pilipino at hindi spy

Isang dokumentaryo ng Al Jazeera tungkol sa mga Chinese spy ang iprinesenta ni Davao Oriental Rep. Cheeno Almario sa ika-pitong pagdinig ng Quad Committee. Tungkol ito sa kwento ni She Zhijang isang espiya ng China na inaming narecruit sa Pilipinas at ngayon ay nakakulong sa Thailand. Isa sa mga naging kaibigan niya sa kulungan ang… Continue reading Alice Guo, pumalag sa isang dokumentaryo ukol sa mga Chinese spies; Guo nanindigang Pilipino at hindi spy

3,500 ARBs sa Tarlac, tatanggap ng debt condonation certificates mula kay PBBM bukas

May 3,500 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa lalawigan ng Tarlac ang nakatakdang tumanggap ng certificates of condonation with release of mortgage (COCROM) mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Isang seremonya ang gaganapin sa Eduardo Cojuangco Gymnasium, Paniqui, Tarlac bukas, Setyembre 30, 2024. Ayon kay DAR Secretary Conrado Estrella III, mapapawalang-bisa na ang kabuuang… Continue reading 3,500 ARBs sa Tarlac, tatanggap ng debt condonation certificates mula kay PBBM bukas

Kaso ng pagkamatay ni retired PGen. at dating PCSO Board Secretary Wesley Barayuga, muling ipinag-utos na buksan –PNP Chief

Ipinag-utos na ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil sa PNP Criminal Investigation and Detection Group ang muling pagbukas ng imbestigasyon sa pagpatay kay Retired Police General at PCSO Board Secretary Wesley Barayuga. Kasunod ito ng paglutang ng testimoniya na nag-uugnay sa isang mataas na opisyal sa nangyaring pagpatay noong 2019. Sa isinagawang Quad Committee… Continue reading Kaso ng pagkamatay ni retired PGen. at dating PCSO Board Secretary Wesley Barayuga, muling ipinag-utos na buksan –PNP Chief

DSWD, tuloy pa ang prepositioning ng food packs sa Ilocos Norte

Tuloy-tuloy pa ang paglalatag ng family food packs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1 sa mga satellite warehouse nito sa buong Ilocos Norte. Ang hakbang na ito ng DSWD ay bilang paghahanda sa epekto ni bagyong Julian para makapagbigay ng agarang tulong sa mga apektadong komunidad. Batay sa ulat ng… Continue reading DSWD, tuloy pa ang prepositioning ng food packs sa Ilocos Norte

Embahada ng Pilipinas sa Lebanon, pinag-iingat ang mga Pilipino sa katimugang bahagi ng Beirut matapos ang sunod-sunod na pagsabog sa Hezbollah Headquarters

Binibigyang paalala ng Embahada ng Pilipinas sa Lebanon ang lahat ng Pilipino, partikular na ang mga nasa katimugang bahagi ng Beirut, na mag-ingat matapos ang sunod-sunod na pagsabog dulot ng pag-atake ng militar ng Israel sa punong-tanggapan ng Hezbollah gabi ng Setyembre 27. Sa abiso ng Embahada, mahigpit na pinapayuhan ang mga Pilipino na iwasan… Continue reading Embahada ng Pilipinas sa Lebanon, pinag-iingat ang mga Pilipino sa katimugang bahagi ng Beirut matapos ang sunod-sunod na pagsabog sa Hezbollah Headquarters

Video ni PBBM sa isang pagtitipon na binahiran ng masamang kulay, sinagot ng PCO

Sa harap ng maigting na kampanya ng pamahalaan kontra fake news sa pangunguna ng Presidential Communications Office (PCO), isang video ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang pagtitipon ang muling binigyan ng masamang kulay ng mga naghahasik ng disinformation. Naging subject ng mga nasa likod ng patuloy na nagpapakalat ng maling impormasyon ang video… Continue reading Video ni PBBM sa isang pagtitipon na binahiran ng masamang kulay, sinagot ng PCO

DMW, inanunsyo ang pag-uwi sa bansa ng iba pang OFWs mula sa Lebanon sa susunod na buwan

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na makakauwi na sa Pilipinas sa Oktubre 3 ang 15 overseas Filipino workers na nag-avail ng voluntarty evacuation dahil sa kaguluhan sa Lebanon. Tinukoy ni DMW OIC Usec. Fely Bay ang mga OFWs na nasuspinde ang flights sa pag uwi sa bansa noong Setyembre 26, 2024. Lahat ng… Continue reading DMW, inanunsyo ang pag-uwi sa bansa ng iba pang OFWs mula sa Lebanon sa susunod na buwan

Pilipinas, Estados Unidos, at iba pang mga bansa nagsama-sama sa pagsasagawa ng Multilateral Maritime Cooperative Activity

Magkasanib-pwersa na isasagawa ng armed at defense forces ng mga bansang Australia, Japan, New Zealand, Pilipinas, at Estados Unidos ang ikaapat na Multilateral Maritime Cooperative Activity sa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone ngayong araw, Setyembre 28. Layon ng pagsasanay na ipakita ang kolektibong dedikasyon ng mga kalahok na bansa upang palakasin ang rehiyonal at… Continue reading Pilipinas, Estados Unidos, at iba pang mga bansa nagsama-sama sa pagsasagawa ng Multilateral Maritime Cooperative Activity

Pilipinas, tinanggap ang tatlong nominasyon mula sa prestihiyosong Asia’s Best of Best Awards

Hindi lang isa kung hindi tatlong nominasyon ang nasungkit ng Department of Tourism (DOT) na bansa mula sa kilala at prestihiyosong Asia’s Best of Best Awards. Kabilang sa tatlong nominasyon na natanggap ng DOT ay para sa Best Marketing Campaign dahil sa kampanya nitong “Love the Philippines,” Best in Service para sa Tourist Assistance Call… Continue reading Pilipinas, tinanggap ang tatlong nominasyon mula sa prestihiyosong Asia’s Best of Best Awards

Konstruksyon ng East Bay PH 2 Submarine Transmission Lines Project, nakikitaan na ng magandang progreso –Manila Water

Kumpiyansa ang Manila Water na mababawasan na ang pagdepende sa suplay ng tubig sa Angat Dam sa sandaling matapos na ang East Bay Phase 2 (PH 2) Submarine Transmission Pipeline Project nito. Ayon sa water company, ang proyekto ay pinasimulan noong Hulyo 23 na layong palakasin ang distribusyon ng tubig sa East Region. Nasa 24%… Continue reading Konstruksyon ng East Bay PH 2 Submarine Transmission Lines Project, nakikitaan na ng magandang progreso –Manila Water