1,440 gramo ng cocaine, napulot sa baybaying dagat ng Palawan -PDEA

Tinatayang milyong pisong halaga ng high grade cocaine ang napulot sa baybaying dagat ng Narra, Palawan nitong nakalipas na linggo. Batay sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Palawan Provincial Office, isang concerned citizen ang naglalakad sa dalampasigan ng Purok Pagkakaisa, Brgy. Calategas, Narra nang mapansin ang waterproof fabric bag na naglalaman ng white… Continue reading 1,440 gramo ng cocaine, napulot sa baybaying dagat ng Palawan -PDEA

Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzalez Jr., nanumpa bilang bagong miyembro ng LAKAS CMD

Tatlong mambabatas ang nanumpa bilang bagong miyembro ng LAKAS CMD. Ito ang inanunsyo ni Majority Leader Mannix Dalipe na kabilang sa mga nanumpa ay si Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. Matatandaang nitong Lunes, sa gitna ng pagtalakay sa House Resolution 1414 ay nagbitiw si Gonzales bilang kurtisiya sa kaniyang partido na PDP-Laban. Maliban kay… Continue reading Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzalez Jr., nanumpa bilang bagong miyembro ng LAKAS CMD

MMDA at PCG, lumagda sa kasunduan para mas mapaganda ang serbisyo ng Pasig River Ferry

Pormal na lumagda sa kasunduan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Coast Guard (PCG) para mas mapabuti ang serbisyo ng Pasig River Ferry. Nilagdaan nina MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan at ilang opisyal ng dalawang ahensya ang Memorandum of Agreement ngayong araw. Sa ilalim ng… Continue reading MMDA at PCG, lumagda sa kasunduan para mas mapaganda ang serbisyo ng Pasig River Ferry

Ika-anim na batch ng OFWs na naipit sa gulo sa Israel, dumating na sa Pilipinas

Eksakto alas-2:49 ng hapon lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang Etihad Airways ang Flight EY 425. Sakay nito ang 42 na mga overseas Filipino worker at isang batang babae na naipit sa gulo sa Israel. Sinalubong sila ng ilang senior officials ng pamahalaan. Dumiretso ang mga OFW sa VIP Lounge ng NAIA… Continue reading Ika-anim na batch ng OFWs na naipit sa gulo sa Israel, dumating na sa Pilipinas

News article na nagdedetalye ng mga diumano’y napag-usapan sa caucus o executive meeting ng mga senador kahapon, pinaiimbestigahan

Pinaiimbestigahan ng mga senador sa Senate Committee on Ethics ang diumano’y lumabas na impormasyon tungkol sa kanilang naging caucus kahapon tungkol sa panukalang 2024 budget. Sa sesyon ngayong hapon, tinukoy ni Senador Jinggoy Estrada ang lumabas na artikulo sa isang news website na nagpapangalan ng siyam na senador na diumano’y pabor na ibalik ang confidential… Continue reading News article na nagdedetalye ng mga diumano’y napag-usapan sa caucus o executive meeting ng mga senador kahapon, pinaiimbestigahan

Lokal na pamahalaan ng Socorro, Surigao del Norte, inirerekomendang buwagin na ang komunidad ng SBSI sa Sitio Kapihan

Inirerekomenda ng lokal na pamahalaan ng Socorro, Surigao del Norte na panahon nang buwagin ang komunidad na itinayo ng Socorro Bayanihan Services Incorporated (SBSI) sa Sitio Kapihan. Kabilang ito sa naging presentasyon ni Edelito Sangco ng Task Force Kapihan sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs tungkol sa mga nais mangyari… Continue reading Lokal na pamahalaan ng Socorro, Surigao del Norte, inirerekomendang buwagin na ang komunidad ng SBSI sa Sitio Kapihan

Senyor Agila Jey Rence Quilario at 12 pang Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) members, nai-turn over na sa NBI mula sa Senado

Inalis na ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang contempt order laban sa apat na lider ng Socorro Bayanihan Services Inc (SBSI) kabilang ang sinasabing lider ng grupo na si Jey Rence Quilario alyas Senior Agila. Kabilang pa sa mga kasama ni Senyor Agila na inalisan na ng contempt order ay sina… Continue reading Senyor Agila Jey Rence Quilario at 12 pang Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) members, nai-turn over na sa NBI mula sa Senado

AFP, naghahanap na ng mas mabilis na sasakyang pandagat para sa resupply mission

Plano ngayon ng Western Command na maghanap at mag-arkila ng barko na mas mabilis ngunit may kakayanang dumaong sa Ayungin Shoal para sa kanilang resupply mission. Ito’y matapos mausisa sa pagdinig ng House Special Committee on the West Philippine Sea ni Deputy Majority Leader Erwin Tulfo kung gaano ba kabilis ang mga barko ng Pilipinas… Continue reading AFP, naghahanap na ng mas mabilis na sasakyang pandagat para sa resupply mission

Mga pag-uusap para mabuksan ang Rafah border crossing nagpapatuloy, ayon sa DFA

Inihayag ng Department of Foreign Affairs na nagpapatuloy ang mga pag-uusap para mabuksan ang Rafah border crossing. Ang Rafah crossing ay nagko-konekta sa Gaza at Egypt. Sa isang pulong balitaan sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega na hindi pa rin bukas ang Rafah crossing hanggang sa ngayon. Ngayong araw sana inaasahang makalalabas ang… Continue reading Mga pag-uusap para mabuksan ang Rafah border crossing nagpapatuloy, ayon sa DFA

Abo ng OFW na nasawi sa gulo sa Israel na si Grace Prodigo Cabrera, dinala na sa Apalit, Pampanga

Dinala na sa Apalit, Pampanga ang abo ng overseas Filipino worker na si Grace Prodigo Cabrera. Kabilang si Grace, 42 taong gulang, isang caregiver sa apat na mga Pilipinong nasawi sa Israel noong October 7 matapos na umatake ang militanteng grupong Hamas sa Kibbutz Be’eri. Kasamang napaslang ng Hamas ang pasyente ni Grace na 96… Continue reading Abo ng OFW na nasawi sa gulo sa Israel na si Grace Prodigo Cabrera, dinala na sa Apalit, Pampanga